Hard Days of Night: April 2006
Sunday, April 23, 2006
「 dancing away 9:33 AM �



"I have never worked for fame or praise, and shall not feel their loss as I otherwise would. I have never for a moment lost sight of the humble life I was born to, its small environments, and the consequently little right I had to expect much of myself, and shall have the less to censure, or upbraid myself with for the failures I must see myself make."


*so yun nagsimula na araw ko nothing much to say pero yun nung hapon na eh nagbasketball ako then im waiting for the teen edition of bigbrother..then up to now nessy and princess beauty ko is not texting me..so yun dumating na yung gabing start ng big brother..to tell you honestly i wanna cry that time cause i thought for all the time of my life eh wala pa akong naaacomplice..i even imagine myself being in the shoes of those teen housemate.i am really dissapointed that i did not make it to the show..i really wanna be in that show para naman kahit maging papaano eh maging proud na sakin parents ko and even my whole family.. i really swear that starting this day NO RICE na talaga.gusto ko na sana pumayat para kahit sana physical appearance ko eh may mapagmalaki..so yun while im typing this tears are falling down on my eyes..






Saturday:
"I began reviewing my life in relation to its objectives. I saw no objects, I saw only states."


*nagising ako as in normal lang.never had the time para magenjoy pero aking nalaman na kami ay pupunta sa bahay nila paolo besa.so yun ako ay naghanda ng aking susuoting pangswimming atnagdala ako ng tuwalya at damit..nang kami ay papunta aking ka text si nestle garcia at nang kami ay huminto sa bilihan ng carrot caKE eh pinatugtog ang kantang narda na aking ikinasiya..ng kami ay dumating sa bahay nila pao kami ni miera nagwalkathon sa gilid ng pool nila paolo.ako ay nakapagkumpisal sa kanya about sa aking nakalipas at akin din siyang pinayuhan.di kami umakyat sa pagkat kami ay natatakot MAREJECT sa taas.nag dumating sila sasha kami ay naglaro ng taguan atsyempre hinde nanaman nila ako kagad nakita.ngunit sila din ay nahirapan akong hanapin.ang dami naming nakain dun ng maraming pansit at mga manok at lumpia.ng kinagabihan ay nagyaya sila pj magswimming at kami ay nagenjoy.at ng kami ay pauwi na eh kausap ko si nestle pinagusapan namin si mon.pagdating sa bahay eh natulog ako kagad.(hinde pa rin nagtetext si PRINCESS BEAUTY KO hanggang ngayon):-(





Friday, April 21, 2006
「 dancing away 8:54 AM �



"Love never dies a natural death. It dies because we don't know how to replenish its source. It dies of blindness and errors and betrayals. It dies of illness and wounds; it dies of weariness, of withering, of tarnishing."



*Nagsimula ang aking araw sa pagising ng ala una imedya ng hapon sa pagkat kahapon ng gabi ay aking kinausap si nessy sa aking telepono ng halos dalawang oras.kahit na ako ay inaantok na ay tuloy pa rin sa pakikipagusap sa kanya.nang ako ay magising ang mga tao dito ay kumakain kaya ako ay nakisabay na rin.pagkatapos ay tinext ko si NESSY at ang aking PRINCESS BEAUTY.ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala akong natatanggap na text mula sa kanilang dalawa.ng kinahapunan ay dumating si kuya mark mula sa boracay ako ay naglalaro ng basketball sa ps2 ngunit ako ay mukhang minamalas sa pagkat wala pa kaong napapanalo sa aking laro.nung alas singko ng hapon ay lumabas ako upang magbasketball ng totoo at sa kabutihan naman ay nanalo ako o este kami ng po.(short for pop cola).pagkauwi ay naglaro ulit ng basketball ngunit talo pa rin eh.ako ay naligo sapagkat ako ay mabaho na. ngunit natalo rin ang ginebra sa laro nila sa basketball at hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin akong natatanggap na text mula kay NESSY at PRINCESS BAUTY KO..



Thursday, April 20, 2006
「 dancing away 5:34 AM �



"life is too short for drama and petty problems.. so laugh insanely, kiss slowly, dance like nobody's watching,forgive quickly and love like it's never gonna hurt.. life is too precious to be anything but happy.."

*eto nagsimula ang aking araw sa pag-gising ng umaga sapagkat ako ay kukuhanan ng x-ray para sa pagpasok ko sa pup (polytechnic university of the philippines).so ayun ako ay naligo at nagbihis,at nalaman ko na sumabay nalang daw ako sa aking tita at pinsan upang magpababa sa vitocruz station ng LRT..ngunit sa aming paglalakbay patungong St. Scholastica ay aking napagalaman na si miera(aking pinsan)ay magtetest sa paaralang ito.at ako ay pinayuhan ng aking tita ako na samahan si miera upang may magbantay sa kanya.at nang kami ay dumating na sa paaralang ito ay kami ay pinanatili sa isang lugar.nagtatanong ang aking pinsan ng tungkol sa mga itetest niya.ngunit aking napagalaman na ako ay kinakalawang na sa mga kaalaman kahit na ako ay naka nobenta'y nuebe out of isang daan.tapos nito ay aming napagalaman na hindi pa pala siya nakatakdang magtest.buti na lang at matalino ang aking tita.halos buong araw ay aking inuubos sa pagtetext kay "PRINCESS BEAUTY KO" at si nestle.ako ay masaya hannggang sa kasalukuyan sa pagkat aking napapamahagi ang bawat pangyayari sa buhay ko sa bawat araw.(Kami nga pala ay babaliksa martes upang mainterview sa pagpasok sa pup)..